~ PANAGINIP ~
8:24 PM Edit This 0 Comments »Sa isang mundo na isip ang nagpapatakbo
Sobra ang pagtataka ng ika'y makita doon
Kahit kailan di ko inasahan ang nangyaring ito
Ni paghanga nga'y walang nararamdaman para sa'yo
Ngunit sadyang mapaglaro si tadhana
Simula ng pumasok sa isipa'y di na naalis pa
Ang mukha mong dati ay nilalampasan lang ng aking mga mata
Ngayon kahit anong gawin ay sa iyo na lang nakatulala
Lumilipas ang mga araw at parang may kakaiba nang naramdaman
Nararamdaman ng puso'y hindi na maintindihan
Tuwing nakikita ka puso'y umaapaw sa kaligayahan
Ayaw ng kahit isang segundo ika'y di masilayan
Sa isang panaginip nagsimula
Isang imahinasyon na aking nalikha
Isang pahiwatig na hindi kapanipaniwala
Nakapagpabago ng pagtingin sa isang kakilala
matagal ko na itong nagawa.. ngaun ko lang naisipan ilagai. october 2009 to be exact. pero d ko alm exact date.. aun share ko lang..
~ sayree 052910

0 comments:
Post a Comment